Kasabay sa paglipas ng panahon ang pagbabago at pag-unlad. Nagta-taasang mga gusali, nagga-gandahang mga sasakyan, nagla-lakihang mga telebisyon, nagni-nipisang mga telepono- mga makabagong gadget. Walang masama sa pagkakaroon o paggamit ng mga ito basta ika'y responsable at alam mo ang hangganan nito. Lahat na ata ng mga bata hindi lang sa Pilipinas kundi sa boung mundo ay mayroon o marunong gumamit ng telepono. Tatlong taong gulang pa lamang may hawak ng gadget, pindot, pindot. Sa murang edad pa lamang nila namulat na sila sa teknolohiya. Hindi naman ito masama, mabuting bata pa lamang sila ay matuto na, pero 'wag naman sobra maglaan lang ng kaonting oras para dito dahil ito' maraming dulot na masamang epekto sa ating kalusugan pati na rin sa ating ugnayan sa loob at labas ng ating tahanan. Mga magulang paalalahanan sila sa tama at wastong paggamit, may oras para dito at oras sa pamilya. Oo nga't pwedeng makipag-usap sa inyong mga kaibi...